PNP Chief Debold Sinas, nagbukas ng dagdag na makeshift facilities para sa mga personnel na may COVID-19

Photo Courtesy: PNP

Nagbukas ang Philippine National Police (PNP) ng dagdag na espasyo sa loob ng Camp Crame para magsisilbing temporary quarantine facilities ng mga police personnel na nagkaimpeksyon sa COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, nagdagdag na sila ng 57 kama sa compound ng kanilang tennis court at 40 na kama sa Tae Kwon Do Gym para sa asymptomatic patients.

Ang Kiangan Facility ay mayroon lang 55 bed capacity habang ang pool side at tennis court ay temporary holding area lang na may 80 bed capacity.


Bukod sa Kiangan facility ay dinadala rin sa quarantine facilities ang iba pang nagkaka-COVID tulad ng hotel o Local Government Unit (LGU) facilities sa National Capital Region (NCR) at Clark.

Ang symptomatic cases ay dinadala naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) facilities at ibang available government hospitals.

Aniya, walang katotohanan ang ispekulasyon ng ilan na hindi inalaagaan ang mga police personnel na nagkakasakit.

Facebook Comments