PNP Chief Dela Rosa, ayaw makipag -away kay Senator Pimentel matapos kwestyunin ang peace and order sa bansa

Manila, Philippines – Ayaw raw makipag- away ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa kay Senate President Koko Pimentel.

Ito ay matapos na kwestyunin ng Senador ang peace and order sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa mas maiging tanungin ng senador ang mga ordinaryong tao upang malaman ang totoo.


Nakwestyon ni Sen Pimentel ng peace and order sa bansa matapos ang pagpatay sa isang konsehal at anak nito sa Puerto Galera sa Mindoro.

Giit ni Dela Rosa agad na naresolba ang krimen dahil naaresto kaagad ang suspek sa pamamaril.

Kung tatanunin naman daw sila kung paano maiiwasan o mapipigila ang mga ganitong krimen hindi naman daw nila kontrolado ang utak ng mga kriminal.

Facebook Comments