Manila, Philippiens – Umaapela si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa pamunuan ng Bureau of Customs na mas higpitan ang pagbabantay sa mga pumapasok na kargamento sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ayon kay Dela Rosa, layon nitong hindi na makapasok pa sa bansa ang mga kontrabando gaya ng iligal na droga.
Kagabi, pitumput dalawang kilo ng shabu na nakalagay sa mga lumang machine ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Las Piñas City.
Giit ni Dela Rosa, kung mahigpit na binabantayan ng BOC ang mga pantalan, hindi na sana nakapasok ang nasabing kontrabando.
Sa kasalukyan, ayon Kay Dela Rosa, nahihirapan na ang mga drug lord na makapagtayo ng mga drug laboratory sa bansa dahil sa pinaigting na anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya ito ang dahilan na karamihan sa mga iligal na droga sa Pilipinas ay ginagawa at nanggagaling na sa ibang bansa.
DZXL558