PNP chief Dela Rosa, nag-host ng trick-or-treat!

Manila, Philippines – Nagsagawa ang PNP national headquarters ng trick or treat para sa mga anak ng mga pulis at non-uniformed personnel sa Camp Crame kahapon.

Pinangunahan mismo ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa ang pamamahagi ng mga Halloween treats sa mga kabataan.

Ang aktibidad ay bahagi ng tradisyunal na “trick or treat” kung saan ang mga anak ng mga pulis at non-uniformed personnel ay bumibisita sa iba’t ibang tanggapan sa kampo na naka-suot ng Halloween costume.


Bahagi ng aktibidad, bibigyan ng premyo ang may “best costume” at “best office decoration” na iginawad ni PDDG Ramon Apolinario.

Kaugnay naman ng paggunita ng Undas, aktibong magmomonitor si PNP Chief PDG Ronald bato delarosa sa pagpapatupad ng PNP ng “Oplan kaluluwa” sa araw na ito hanggang bukas.

Ito ang sinabi ni Dela Rosa kahapon matapos na ihayag na naka “heightened alert status” ang PNP National Headquarters.

Ang ibig sabihin Aniya nito, 50 percent ng personnel sa NHQ ay inaasahan niyang ready for deployment kung kakailanganin.

Naka-full alert status naman ang lahat ng PNP Regional offices sa buong bansa kung saan 100 percent ng kanilang mga pwersa ang naka-duty sa panahon ng Undas.

Facebook Comments