Manila, Philippines – Nanghihinayang si PNP Chief Ronald Dela Rosa na mawawala na sa Philipine National Police ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) na ang mangunguna sa pagsasagawa ng mga anti illegal drugs operation at susuporta na lamang ang ibang law enforcement agencies.
Ayon kay Dela Rosa 100 porsyento pa naman ng resources ng Philippine National Police nang nakalipas na taon ay ibinuhos sa war on drugs kaya raw nakakapanghinayang.
Ngayon nabawasan na aniya ang kanilang problema sa iligal na droga itutuon na lamang nila ang kanilang trabaho sa iba pang krimen.
Ngunit hindi maiwasan ikwento ni PNP Chief Dela Rosa na noong buwan ng Pebrero pinahinto rin sila sa War on drugs pero isang buwan lang nakalipas muling binalik sa PNP ang pangunguna sa anti illegal drugs operation dahil nagkalat na naman ang adik at bentahan ng iligal droga.
Magkagayunpaman sinabi ni Dela Rosa susundin nila ang utos ng pangulo kaya hands off na sila sa pagsasagawa ng anti illegal drugs operation.