PNP Chief Dela Rosa, pinanindigang konektado sa Abu Sayyaf Group ang nahuli at tinanggal sa serbisyong si Supt. Maria Cristina Nobleza

Manila, Philippines – Naninindigan si PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na natutulog sa kalaban ng gobyerno si P/Supt. Maria Cristina Nobleza kaya ipatatanggal niya sa serbisyo ang naturang opisyal.

Ayon kay Dela Rosa naaresto sa Bohol si Nobleza dahil umanoy mayroon kaugnayan sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.

Paliwanag ni General Bato na batay sa imbestigasyon ng Pambansang Pulisya lumalabas na may karelasyong bandido si P/Supt. Nobleza.


Giit ni Dela Rosa pinamamadali na nito ang lahat ng proseso para agad na matanggal sa serbisyo ang police official at makasuhan na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bohol Police si Nobleza pero hinihiling ni Bato na mailipat ito sa Camp Crame para sa mas mataas na antas ng seguridad.

Si Nobleza ay nahuli sa isang checkpoint noong Sabado ng gabi at nadiskubre sa celphone nito ang mga konbersasyon sa bandidong grupong Abu Sayyaf pero nauna nang sinabi ni Supt. Nobleza na siya ay nasa Bohol para sa isang tour o bakasyon.

Inamin naman ni Dela Rosa na hindi pa niya nakikitang personal ang palitan ng text messages nina Nobleza at ng Abu Sayyaf member pero pabirong sinabi ng PNP Chief na baka umano ang makita niya lamang ay ang mga katagang ‘’mwa mwa tsup tsup’’ sa naturang konbersasyon.

Facebook Comments