PNP Chief Dela Rosa, tiniyak na handa ang kapulisan sa anumang banta ng terorismo sa bansa

38

Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police Chief Gen. Ronald Dela Rosa na handa ang kanilang hanay para sa anumang banta ng terorismo sa bansa.

Kaya ayon kay Dela Rosa, walang dapat ikatakot ang mga turistang magpupunta sa bansa ngayong holiday.

Ito ay matapos maglabas ng travel warning ang US embassy sa kanilang mga kababayan sa Central Visayas hinggil sa mga ulat na kidnapping sa lugar kasunod ng nahuling mga miyembro ng international terror group na ISIS.

Aniya, handa ang Pambansang Pulisya sa Central Visayas at ligtas naman ang iba pang lugar sa bansa.

Sa kabila nito, payo ni Dela Rosa sa mga turista, iwasang pumunta sa mga lugar kung saan talamak ang pangingidnap ng teroristang grupong Abu Sayyaf.
Dagdag pa nito, wala namang dapat ikabahala ang taumbayan sa mga banta ng terorismong nauulat kamakailan dahil nananatiling naka-alerto ang PNP lalo na ngayong Semana Santa.
Nation”

Facebook Comments