PNP Chief Dela Rosa, tumanggap ng parangal

Manila, Philippines – Pinarangalan si PNP Chief Ronald Dela Rosa bilang ‘Anak ng Cordillera’.
Ito’y bilang pagkilala sa kanyang pangunguna sa operasyon laban sa ilegal na droga at kriminalidad.
Binigay ang pangalang ‘Mulingan’ kay Bato na ibig sabihin ay ang pinakamatigas na Bato sa rehiyon na gamit din bilang sandata noong unang panahon.
Lubos namang nagpapasalamat si Dela Rosa sa natanggap na parangal.
Pinuri rin ni Dela Rosa hindi lang ang disiplina at kaayusan ng kapulisan ng Cordillera kung hindi pati na rin ang mayamang kultura ng rehiyon.

Facebook Comments