PNP Chief Dela Rosa, walang pakialam sa resulta ng SWS survey na sinasabing bumaba ang mga Pinoy na nasisiyahan sa war on drugs ng kapulisan

20

Manila, Philippines – Walang pakialam sa PNP Chief Ronald Dela Rosa sa resulta ng panibagong SWS survey na sinasabing bumaba ng 11 porsyento ang mga Pilipinong nasisiyahan sa war on drugs ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Chie Dela Rosa, hindi naman daw siya pulitiko o nagpaplanong tumakbo sa anumang posisyon sa mga susunod na halalan kaya ayaw niyang intindihin ng SWS survey.

Giit ni Dela Rosa, gagawin lamang nila ang kanilang trabahong ipatupad ang batas at hulihin ang mga lumalabag sa batas.

Dagdag pa ni Bato, may masagasaan man sila o wala ay gagampanan nila ang kanilang trabaho at wala aniya silang pakialam sa mga negatibong komento.

Sa ngayon mas pagbubutihin na lamang daw nila ang kanilang trabaho.

Facebook Comments