PNP Chief Dionardo Carlos, promoted na sa ranggong four-star General

Ganap nang full pledged police general si Philippine National Police (PNP) Chief Dionardo Carlos.

Mismong iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikaapat na estrelya sa Palasyo ng MalacaƱang kagabi.

Si Carlos ang ika-27 hepe ng PNP kapalit ng nagretiro nang si Gen. Guillermo Eleazar at ika-7 sa mga itinalaga ni Pangulong Duterte sa ilalim ng kaniyang termino.


Anim na buwang manunungkulan sa pwesto si General Carlos na sinigurong ipagpapatuloy ang magagandang nasimulan ng kaniyang mga sinundang PNP chief at inilunsad ng Double Barrel Finale 2022 na tutuon sa paglaban kontra iligal na droga.

Facebook Comments