PNP Chief, dumalo sa ika-86th INTERPOL general assembly sa China

Manila, Philippines – Dumadalo si PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa ng ika-86th International Police Organization General Assembly na nagsimula ngayong araw September 25, 2017 sa Beijing, China.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos naimbitahan ang Chief PNP para dumalo sa aktibidad na sinimulan ngayon September 25 hanggang September 29.

Aniya posibleng matalakay sa gagawing pagpupulong ay ang pagsugpo sa iligal na droga, paraan ng pagpigil sa pagpasok ng mga kontrabando, cybercrime at iba pang isyu na may kinalaman sa pagpapatupad ng seguridad.


Magpapalitan din anya ng ideya at mga karanasan ang bawat police organization na nakikiisa sa general assembly upang mas maging produktibo sa pagtatrabaho ang bawat isang pulis.

Ang INTERPOL general assembly ay taunang aktibidad at ngayong taon ang China ang host sa malaking event.

Facebook Comments