Pinapa-imbentaryo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Manila Police District (MPD) ang lahat ng ebidensYa at reCord ng kanilang Crime Laboratory matapos itong masunog kahapon.
Ayon sa PNP chief, dapat agad magsagawa ng kumpletong imbentaryo ang MPD Crime Laboratory sa lahat ng mga ebidensiya o papeles na nakalagay sa kanilang opisina.
Ito ay upang matukoy kung may mga importanteng ebidensya, dokumento o records ang naapektuhan ng sunog.
Ang Crime Laboratory sa lahat ng police unit ay ang nagtatago ng mga ebidensya sa anumang kaso kaya mahalaga na maingatan mga ebidensya sa loob ng mga crime laboratory ng PNP.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung sinadya o aksidente ang naganap na sunog bilang bahagi ng procedural investigation.
Nagsimula ang sunog kahapon alas-9:45 ng umaga at idineklarang under control bandang alas-10:15 ng umaga.