PNP Chief Eleazar, kumambyo sa pahayag na huwag nang idaan ng COA ang preliminary report nito sa media

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga resident auditor bago pa mapuna ng Commission on Audit (COA).

Ito ay matapos na ma-bash online dahil sa suhestyon na huwag nang dapat idaan sa media ang preliminary report ng COA.

Kumambyo ngayon si Eleazar at sinabing nagkaroon siya ng konsultasyon kahapon sa mataas na opisyal ng PNP at dito ay nalinawan siya sa proseso ng paglalabas ng ulat ng COA.


Nabatid niya na sa hindi pala dumidiretso sa media ang COA, sa halip ay inilalabas ng media kung ano ang nasa wesbsite ng COA.

Kaugnay nito, tiniyak ni Eleazar na sineseryoso nila ang mga ulat ng COA at gumagawa sila ng mga kaukulang hakbang para mapaganda pa ang kanilang budget spending.

Facebook Comments