PNP Chief Eleazar, nagbabala sa mga pulis na maging ‘apolitical’ sa kanilang mga post sa social media

Nagbigay ng paalala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga pulis na manatiling ‘apolitical’ o huwag makisawsaw sa 2022 eleksyon.

Ayon kay PNP chief,pinag-iingat niya ang mga pulis sa kanilang mga post sa social media at iwasang magpahayag ng suporta sa isang kandidato para hindi maka-impluwensya.

Aniya, ang paalala niyang ito ay batay sa PNP Memorandum Circular na naglalaman ng Guidelines and Procedures in Social Media Content, Post and Engagement Utilizing Social Media Accounts and Individual Accounts of PNP Personnel.


Sakali aniyang makisawsaw sa pulitika ang sinumang pulis ay mapapatawan ng parusang administratibo o mahaharap sa disciplinary action.

Sinabi pa ni PNP chief, na ang tanging dapat panigan ng mga pulis ay ang bansa at ang taumbayan, hindi ang ilang personalidad, politiko o partido.

Samantala, hinimok naman ni PNP chief ang mga pulis na magparehistro nang sa gayon ay makaboto rin sa 2022 national and local elections.

Facebook Comments