PNP Chief Gamboa, isinugod sa ospital sa Laguna

Itinakbo na sa Westlake Medical Center sa City of San Pedro, Laguna si PNP Chief Police General Archie Gamboa at iba pang kasama nito matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter.

Galing sa impounding area ng Highway Patrol Group ng PNP sa Laperal Cmpd., Brgy. San Antonio si Gamboa kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Mula doon sumakay siya ng chopper paalis.


Kaka-take off lamang ng chopper nang ito ay bumaksak matapos sumabit umano sa high-tension wire.

Nabatid na “Conscious” ang PNP Chief nang siya ay makuha mula sa nasusunog na helicopter.

Kasama sa dinala sa ospital sina PNP spokesman BGen. Bernard Banac, iba pang sakay ng helicopter na sina Comptrollership chief Major General Jovic Ramos, at si Major General Mariel Magaway na pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP.

Facebook Comments