PNP Chief Gen. Bato Dela Rosa – nagsorry matapos malusutan sila sa Quiapo twin bombing

59

Manila, Philippines -Nag-sorry si Philippine NationalPolice Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sanangyaring pagsabog nitong Sabado sa Quiapo, Maynila.
  Kasunod na rin ito ng pahayag ni Sen. Koko Pimentel nadapat pagpaliwanagin ang mga intelligence agencies kung bakit nakalusot athindi napigilan ang pagsabog sa Quiapo.
  Sa flag ceremony sa camp crame, kasabay ng pagso-sory, aminadosi Dela Rosa na pumalpak sila sa pagbabantay o pagbibigay seguridad kayat maymga nangyaring pagsabog sa Quiapo.
Pero giit ni Dela Rosa – kung ang Central IntelligenceAgency (CIA) na may malaking pondo ay nalulusutan din, pano pa kaya ang sa Pilipinas? 
  Sa kabila nito, walang balak si Dela Rosa na sibakin sapwesto sina NCRPO Chief PDir. Oscar Albayalde at MPD Chief, Csupt. Joel Coronel.
  Sa naturang Quiapo blast, dalawa ang namatay nakinabibilangan ng isang Shiite Muslim Cleric at Bureau of Internal RevenueDistrict Officer na si Atty. Nasser Abinal at grab express driver na si MohamadBainga na nagdeliver ng sumabog na package.
   

Facebook Comments