Humingi ng tawad sa publiko si Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod ng pag-trending sa social media ng #pulisangterorista.
Ito ay matapos mag-viral ang pamamaril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan sa 52 anyos na lola na si Lilibeth Valdez sa Quezon City noong Lunes ng gabi.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Eleazar na bagama’t nakakalungkot na ganito ang tingin sa kanila ng publiko ngayon ay hindi naman niya masisisi ang mga ito.
Samantala ayon kay Eleazar, pwede ring isagawa ang neurological testing sakaling mapansin na nakakaranas ng emotional disturbance ang isang pulis
Kasabay ng paghingi ng tawad, nanawagan si Eleazar na bigyan sila ng pagkakataon lalo na’t dinodoble na nila ngayon ang ginagawang paglilinis sa hanay ng kapulisan para maibalik ang tiwala ng mga tao.