PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, tiniyak ang paghahanda ng PNP sakaling palawigin pa ang ECQ sa pagbisita nito sa Las Piñas City

Nakahanda ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) kung sakaling palawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Director General Guillermo Eleazar sa pagbisita nito sa bigayan ng ayuda sa Parañaque City kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.

Pero paglilinaw naman ni Gen. Eleazar, hindi sa PNP nanggaling ang lumutang na usap-usapan na palawigin pa ang lockdown sa Metro Manila.


Tiniyak ni Eleazar na anuman ang maging rekomendasyon ng 17 alkalde sa NCR at maging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handa ang hanay ng PNP para umalalay.

Nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda sa Pamplona, Las Piñas na lubhang ikinasiya at pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments