PNP Chief Gen. Ronald Dela Rosa, pangungunahan ang pagbubukas ng seremonya ng gun show

Manila, Philippines – Inaasahan na dadaluhan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagbubukas ng seremonya sa ika 25th Defense and Sporting Arms Show 2017 na pangungunahan ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) sa Megatrade Hall ng SM Megamall.

Ang 4 na araw na gunshow ay kinatatampukan ng mga exhibit ng mga bagong technolohiya ng mga armas ng law enforcement, industrial at personal security.

Aalalayan ni AFAD president and 3-time World shooting champion Jethro Dionisio si Dela Rosa sa pagbubukas ng seremonya.


Maraming mga aktibidad na gagawin si Chief PNP Dela Rosa kabilang na ang paglalagay ng gun license and registration counters sa gunshow para sa mga gun owners.

Malaking maitutulong ang mga makabagong armas upang ipantapat sa mga armas ng teroristang grupong Maute.

Facebook Comments