Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tiwala sa kaniya para pamunuan sa loob ng dalawang buwan ang buong Philippine National Police.
Aniya, ang publiko ang makakapag-evaluate ng kaniyang naging performance sa loob ng dalawang buwan bilang PNP Chief.
Sa kaniyang panig, alam niyang ginawa niya ang kaniyang best para sa PNP.
Umaasa rin si Cascolan na hindi babaguhin nang bagong pamunuan ng PNP ang kaniyang mga sinimulan, partikular ang pagtatalaga sa mga pulis sa mismong kanilang sariling lugar na malaki aniya ang maitutulong sa morale at kapakanan ng mga pulis.
Tatanggapin naman daw ni Cascolan ang anumang i-aalok ng Pangulo na bagong posisyon sa gobyerno matapos ang kaniyang pagreretiro bukas sa edad na 56 years old.
Si General Cascolan ay miyembro ng Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986.