PNP Chief General Debold Sinas, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na nagpositibo sa COVID-19 si PNP Chief General Debold Sinas.

Sa isang statement naman, inihayag mismo ni PNP Chief na kaninang umaga ang pinakahuling Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab test niya kung saan lumabas na positibo siya sa COVID-19.

Pinapayuhan naman ni PNP Chief ang mga nagkaroon ng direktang kontak sa kaniyang sa nakalipas na 24 oras na obserbahan ang sarili at magpa-swab test.


Nanatili naman sa kasalukuyan na asymptomatic ang PNP Chief.

Pero para sa safety reasons, mananatili muna siya sa Kiangan Treatment Facilities simula ngayong gabi.

Itinalaga naman ni Sinas si Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mamuno sa PNP habang nanatili siya sa quarantine facility.

Facebook Comments