PNP Chief General Dionardo Carlos, inaming siya ang susunduin ng bumagsak na PNP helicopter sa Balesin Island sa Quezon Province

Inamin mismo ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos na humiling siya na sunduin sa Balesin Island sa lalawigan ng Quezon kahapon ng umaga gamit ang PNP helicopter.

Paliwanag ng PNP chief, tumungo siya sa Balesin Island gamit ang private transport noong Linggo pagkatapos dumalo sa Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming sa Baguio.

Pero hindi na available ang private transport noong umaga ng Lunes kaya para makadalo sa kanyang mga duties sa Camp Crame ay humiling na siya na magpasundo gamit ang airbus police helicopter.


Ito aniya ay naaprobahan batay na rin sa PNP rules and regulations.

Pero hindi niya raw inaasahan ang pangyayari at ayaw niyang isa sa kanyang mga tauhan ay mamatay at mapahamak.

Tinitiyak daw ni PNP chief na magsasagawa sila nang mas malalim na imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Sa pagbagsak ng helicopter isa ang nasawing pulis at dalawa ang sugatan.

Facebook Comments