PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa, humingi ng tulong sa publiko sa gaganaping ASEAN summit

Manila, Philippines – Nagpasaklolo na si PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa sa publiko para tumulong sa pagbabantay sa gaganaping ASEAN Summit sakaling mayroon silang nalalaman na nagpaplano na maghasik ng kaguluhan sa naturang okasyon.

Sa ginanap na press briefing sa Rizal Hotel, sinabi ni Dela Rosa kung tutuusin umano hindi kayang bantayan ng Pambansang Pulisya ang mga delegado at Head of State at mayroon talagang makalulusot na hindi inaasahang pangyayari kayat kailangan nila ang tulong ng publiko para magbigay ng impormasyon kung mayroon silang napapansin na maykahina-hinalang pagkilos sa kanilang lugar at sa paligid ng pinagdadarausan ng ASEAN Summit.

Paliwanag ni Dela Rosa na bagamat aniya nakalatag na ang mga security measures at isang taon na nila ito pinaghahandaan pero hindi umano nangangahulugan na maperpekto na nila ang pagbibigay ng seguridad sa mga dadalo ng naturang okasyon.


Giit ni Bato, mahalaga pa rin umano ang papel ng publiko upang maging matagumpay ang gaganaping ASEAN Summit kung saan nakatingin ang buong mundo at nakasalalay dito ang imahe ng Pilipinas.

Facebook Comments