PNP Chief, inaming karamihan sa namamatay sa war on drugs ay mga mahihirap

Manila, Philippines – Inamin mismo ni PNP Chief Dela Rosa na karamihan sa mga napapatay sa giyera ng Philippine National Police sa iligal na droga ay mahihirap.

Paliwanag ni Dela Rosa, mas marami kasing mahihirap ang nagbebenta ng iligal na droga kumpara sa mayayamang indibidwal.

Aniya pyramid daw kasi ang structure ng transaksyon ng iligal na droga sa bansa kung saan ang mga druglords nasa itaas at yung mahihirap na nagbebenta ng iligal na droga ay nasa ibaba ng pyramid.


Iginiit naman ni Dela Rosa na nasawi ang mga ito matapos manlaban sa mga awtoridad.

Ang ang pahayag na ito ng PNP Chief ay kaugnay sa resulta ng ginawang survey ng Social Weather Station nitong June 23 hanggang 26 2017 na nagsasabing 3 sa 5 Pilipino ay naniniwalang karamihan sa napapatay sa war on drugs ng PNP ay mahihirap.

Facebook Comments