Manila, Philippines – Walang PNP Police Provincial Directors at PNP Regional Directors ang natatanggal sa pwesto sa harap ng maigting na kampanya ng Philippine National Police kontra iligal na sugal.
Paliwanag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, kailangan niya muna raw maayos o matukoy ang mga lehitimong Small Town Lottery operators sa bansa.
May mga natatangap daw kasi syang impormasyon na ang mga ilang lehitimong STL operators ay sila rin ang mga bookies o itong mga nagsasagawa ng iligal na sugal.
Kawawa naman daw ang kanyang mga tauhan kung tatanggalin sa pwesto sa harap ng mga natatanggap nilang report.
Sinabi pa ni Bato na ayaw niya raw na may PNP commanders siyang direktang nagiging biktima ng illegal gambling sa bansa.
Sa ngayon aniya, tanging mga chief of police ang nasisibak sa kanilang pwesto dahil sa umanoy malamyang kampanya kontra iligal na sugal karamihan sa mga nasibak ay mga taga-region 4A.