PNP chief, ipinaabot ang kanyang pagbati kay Bato Dela Rosa

Manila, Philippines – Hindi pa man pormal na naiproproklama ang mga nanalong kandidato sa Senado, nagpaabot na ng pagbati  si PNP Chief Police General Oscar Albayalde  kay dating PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa inaasahan nang pagkapanalo nito bilang senador.

Ayon kay Albayalde, ikinalulugod niya ang tagumpay ng kanyang Mistah sa Philippine Military Academy, na aniya’y “well deserved”.

Kasabay nito mariing pinabulaanan ni Albayalde na may kinalaman ang Philippine National Police (PNP) sa pagkapanalo ng ilang mga dating pulis na tumakbo sa iba’t-ibang lokal na posisyon sa halalan.


Ayon sa PNP chief, istriktong ipinatupad ng PNP ang kanilang patakaran na manatiling apolitical sa halalan at walang sinuportahan sinumang kandidato, kahit na mga dati nilang kasamahan sa PNP.

Normal lang aniya para sa mga natalong kandidato na maghanap ng masisisi sa kanilang pagkatalo.

Facebook Comments