PNP chief, ipinakita ang mga bawal na paputok

Bocaue, Bulacan – Ininspeksyon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ipinakita sa media ni Albayalde ang mga bawal na paputok na nagkakahalaga ng 300,000 pesos na nakumpiska sa isang pagawaan ng paputok sa Bocaue.

Kabilang sa nakumpiska ay Goodbye Philippines, Pla-Pla, Piccolo, Bin Laden, Kwiton Parachute at Atomic Bomb.


Sa mga binisitang tindahan, halos lahat ay kumpleto naman sa lisensya, business permit at mga fire safety equipment.

Ikinatuwa ni Albayalde ang pagiging compliant ng mga tindahan sa itinakdang panuntunan sa pagbebenta at paggawa ng mga paputok.

Aniya, malaki ang maitutulong nito para maibaba ang insidente ng mga nasasaktan at nasusugatan sanhi ng paputok.






Facebook Comments