PNP Chief, magbibigay ng ₱10,000 sa mga pulis na nakapasa sa Bar Examination

Makakatanggap ng ₱10,000 incentive ang mga pulis na nakapasa sa Bar Examination 2019.

Ito ang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa.

Aniya, ang halagang ito ay para sa panggastos sa kanilang susuotin sa gaganaping oath taking ceremony bilang mga bagong miyembro ng Philippine Bar.


Sinabi ni Gamboa, masaya siya dahil may mga pulis na naman ang nadagdag sa mga police lawyer ng PNP.

Pero panawagan ni PNP Chief sa mga bagong abogado nilang miyembro na huwag iwan ang kanilang organisasyon dahil kailangan raw sila ng PNP.

Samatala, inanunsyo rin ni PNP Chief na ngayong araw matatangap na ng mga pulis ang kanilang performance-based bonus (PBB) at karagdagang hazard pay.

Nagpapasalamat si Gamboa sa gobyerno dahil hindi nakakalimutan ang mga ganitong benepisyo ng mga pulis kahit may nanarasang krisis ang bansa.

Facebook Comments