PNP Chief Marbil, hindi magpapatupad ng major reshuffle sa hanay ng Pambansang Pulisya

Walang planong magpatupad ng balasahan si newly appointed Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.

Ayon kay Marbil, kapag nagpatupad kasi ng reshuffle ay posibleng maging unstable ang kanilang mga unit.

Kung wala naman aniyang kasalanan ang mga pulis, walang dahilan para magpatupad ng balasahan.


Sinabi pa ni Marbil na saka-sakaling may mga pagkakamali o may pagkukulang ang isang pulis ay dapat itong bigyan ng tyansang makapagbago.

Subalit kung muli pa ring mabigo, dito na aniya sila kikilos upang magpatupad ng mga nararapat na hakbang o pagpapalit ng unit commanders.

Facebook Comments