PNP Chief Marbil, iginiit na papanagutin ang mga raliyistang nagsunog ng effigy

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na pananagutin nila ang mga raliyistang nagsunog at magsusunog ng effigy ngayong ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Gen. Marbil, walang exemption sa batas kaya kung hindi mahuhuli ay sasampahan nila ng kaso ang mga matutukoy na nagsunog ng effigy.

Samantala, mahigpit din ang babala ng PNP Chief sa mga mananakit sa pulis na nagbibigay seguridad ngayong SONA.


Ayon kay Marbil, mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga magkakasa ng kilos-protesta, pero sinumang mananakit sa pulis ay hindi sila magdadalawang isip na arestuhin at magsampa ng kaso laban sa mga ito.

Kaninang umaga, nagsagawa ng inspeksyon si Marbil sa latag ng seguridad para sa SONA.

Aniya, masaya siya na maganda ang deployment sa mga pulis.

Nasa 23,000 PNP personnel ang ipinakalat upang matiyak ang maayos at mapayapang SONA 2024.

Facebook Comments