PNP Chief Marbil, iniutos ang masusing imbestigasyon sa umano’y pangingikil ng mga tauhan ng EPD sa 2 Chinese nationals sa Las Piñas City

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Rommel Francisco Marbil ang masusing imbestigasyon mula sa Internal Affairs Service (IAS) at National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa umano’y pagtangay sa halos ₱85 milyong halaga ng alahas at pera ng ilang kawani ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Eastern Police District (EPD) sa negosyanteng Chinese national sa Las Piñas City.

Ayon kay Marbil, hindi niya mapalalagpas ang insidente dahil ito ay makasisira sa imahe ng Pambansang Pulisya.

Aniya, kapag napatunayang may pananagutan ang direktor ng EPD batay sa prinsipyo ng command responsibility, hindi na ito muling pagkakatiwalaan ng kahit anong posisyon sa pamahalaan.


Paliwanag ni Marbil, magsisilbi rin itong babala sa lahat ng pulis dahil wala silang sasantuhin.

Ang mga sinibak na tauhan ng EPD DSOU ay kasalukuyang nakakulong tinanggalan na rin ng service firearms at kinumpiska ang ID at police badge ay nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal.

Facebook Comments