PNP Chief Marbil, no comment sa pagtawag ni VP Sara na political harassment ang pagtanggal sa kaniyang security detail

Tumangging magbigay ng kumento si PNP Chief General Rommel Francisco Marbil sa pagtawag ni Vice President Sara Duterte na political harassment ang pagtanggal sa kaniyang security detail.

Maaalalang, inilipat kamakailan sa National Capital Region Police Office ang nasa 75 tauhan ng Police Security and Protection Group na dating naka-assign para sa pagbibigay seguridad kay VP Duterte.

Ayon kay VP Sara, walang request na nangyari.


Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Marbil na patuloy na nagbibigay ang PNP ng top-tier security services kay Vice President Sara Duterte.

Muli rin niyang binigyan-diin na nananatiling nakatuon ang PNP sa pagbibigay ng seguridad para sa bise presidente sa kaniyang mga lakad sa bansa.

Facebook Comments