PNP Chief Marbil, pinag-aaralan na ang rekomendasyon ng FEO na tuluyang kanselahin ang lisensya ng mga baril ni Quiboloy

Natanggap na at kasalukuyang pinag aaralan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Francisco Marbil ang rekumendasyon ng Firearms and Explosives Office (FEO) na revocation ng license to own and possess firearms (LTOPF) ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quibuloy.

Ayon kay Marbil, nasa opisina na nya ang pirmadong resolusyon ng FEO Firearm Revocation and Restoration Board.

Ani Marbil, oras na ma-check ang legal provisions ay saka nya ito pipirmahan para agad nang ipatupad.


Nabatid na base sa records ng FEO, 19 na baril ang naka-rehistro kay Pastor Quiboloy na may warrant of arrest sa mga kasong sexual abuse at human trafficking.

Base sa rekomendasyon ng FEO ang pagkansela ng LTOPF ni Quiboloy ay dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Maliban kay Quiboloy, inirekomenda din ng FEO na makansela ang lisensya ng baril ng lima (5) pa nitong co-accused.

Kapag ito ay inaprubahan ni PNP Chief Marbil maaaring nang kumpiskahin ng pulisya ang lahat ng mga baril ng puganteng pastor.

Facebook Comments