PNP Chief Marbil, pinatututukan ang pagbabantay kontra armadong grupo lalo’t nalalapit na ang eleksyon

Isang araw bago ang pagtatapos ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapaigting ng pagbabantay laban sa mga armadong grupo.

Ayon kay Gen. Marbil, posible kasing maghasik ang mga ito ng kaguluhan sa darating na eleksyon.

Inatasan na rin ni Marbil ang mga police unit sa bansa na palakasin ang kanilang security operations lalo na sa mga traditional election hotspots.


Kabilang dito ang paglalagay ng strategic checkpoints at pagpapalakas ng intelligence monitoring.

Muli rin pinaalalahanan ng PNP Chief ang mga pulis na manatiling neutral o apolitical at iwasang makialam sa pulitika.

Facebook Comments