PNP chief, muling iginiit na seryoso sa paglilinis ng kanilang hanay

Umaabot na sa 14,000 na miyembro ng Philippine National Police o PNP ang pinatawan ng kasong administratibo dahil sa iba’t-ibang pagkakasala simula ng maupo ang Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

 

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, isa lang daw itong paraan para ipakita na seryoso ang kasalukuyang administrasyon na linisin ang hanay ng mga pulis na nasa 190,000 na ang bilang.

 

Sinabi pa ni albyalde na 2,367 na mga pulis ang nadismiss na sa serbisyo habang 4,100 naman ang napatawan ng suspensyon.


 

Nabatid na ang ginagawang internal cleansing sa PNP ay itinuturing ni Albayalde na isang accomplishment bago siya umabot sa retirement age na 56-anyos sa nobyembre.

 

Iginiit pa ni Albyalde na dating isinasagawa ang pagbabago sa PNP pero hindi naman daw umaaksyon ang mga nagdaang pinuno nito kung saan asahan ng kaniyang mga tauhan na ang lahat ng ginagawang hakbang ay dumadaan sa tamang proseso.

Facebook Comments