PNP chief, nagbigay ng isang linggo sa PRO-5 para tapusin ang imbestigasyon sa pananakit ng isang police col. sa isang sarhento

May isang linggong palugit si PNP Chief General Dionardo Carlos kay Police Regional Office 5 Regional Director BGen Jonnel Estomo para tapusin ang imbestigasyon sa pananakit ng isang police Colonel sa isang sarhento sa Legazpi City.

Ayon kay PNP chief, nakausap niya na ang nanakit na Col. na si Police Col. Dulnoan Dinamling Jr. at naging biktima nito na si Police Master Sergeant Ricky Brabante.

Pinagsabihan nya raw ito at inaming mahina ang tolerance sa alak kaya nagawa ang pananakit.


Sa ngayon, sinibak na sa pwesto at nasa restrictive custody na si Col. Dinamling Jr., habang iniimbestigahan.

Binisita rin ni PNP chief si PMSG Ricky Brabante ang sinabing ibibigay ang lahat ng tulong.

Ipinauubaya naman ni PNP chief sa biktima ang pagsasampa ng kasong kriminal.

Sa ngayon, ayon kay Carlos mas maiging hintayin ang resulta ng imbestigasyon.

Facebook Comments