PNP Chief, naglabas ng sama ng loob sa media

Isang biglaang pagpupulong ng PNP Press Corps ang pinatawag ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac ngayong umaga sa PNP Press Office.

Hindi inaasahan ng mga mamamayahag ang pagdating ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, matapos na unang ianunsyo ni Banac na kanselado ang pagdalo ng PNP Chief sa isang programa ng PNP-AKG kaninang alas 9:00 ng umaga sa Cubao dahil kailangan niyang magpahinga.

Walang pinahintulutang mga litrato o recording ng naturang pagpupulong kung saan nakipag-usap lang ng masinsinan ang PNP Chief sa mga mamamahayag.


Hindi naiwasan ni Albayalde na maging emosyonal nang kanyang ibuhos ang kanyang sama ng loob ng sa lahat ng mga ipinaparatang laban sa kaniya.

Punto nito, nasaan na ang nabuong brotherhood sa Philippine Military Academy.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado tila pinagtulungang kwestyunin nina PDEA Dir. Aaron Aquino at dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong si PNP Chief.

Sina Aquino at Magalong ay nagtapos sa PMA.

Sa pagtatapos ng pagpupulong ay hindi na nagpaunlak ng interview si Albayalde at sinabing nais lang niyang makasama ang mga miyembro ng PNP Press Corps, at sa Lunes nalang ang kanyang Press Conference.

Facebook Comments