Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Kongresso at sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagsulong ng hakbang na magre-restructure sa PNP.
Ito’y matapos na aprubahan ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang amyenda sa Republic Act No. 6975 o Local Government Act of 1990 at RA No. 8551 o PNP Reform and Reorganization Act of 1998 sa pamamagitan ng proposed substitute House Bill No. 8327.
Ayon kay PNP chief, ang mga amyenda sa batas ay magbibigay sa PNP ng kaukulang gamit at straktura para epektibong matugunan ang mga kasalukuyang hamon sa pagpapatupad ng batas.
Nagpasalamat din si Acorda kay dating PNP Chief Ret. Police General Rodolfo Azurin Jr., sa kanyang pagtutok sa legislative agenda ng PNP.