
Todo panawagan ang Pambansang Pulisya sa mga magsasagawa ng kilos-protesta ngayong araw na sundin ang napagkasunduan sa mga isinagawang pagpupulong sa iba’t ibang grupo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III, nagkaroon ng serye ng pagpupulong ang PNP sa mga progresibong grupo at maayos naman ang kanilang pinag-usapan tungkol sa mga isasagawng kilos-protesta.
Sa ngayon, tatlong grupo pa lang aniya ang pinayagan na magsagawa ng rally; ang isa ay nasa harap ng funeral homes sa Commonwealth Avenue, isa sa White Plains, at sa Philcoa.
Hirit pa ng heneral na igalang ng mga magsasagawa ng kilos-protesta ang batas lalo na sa pagsunog ng effigy.
Facebook Comments









