PNP chief, nanindigang mananaig ang rule of law sa kampanya kontra krimen

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na mangingibabaw ang rule of law sa kampanya kontra krimen ng Pambansang Pulisya.

Ang pahayag ni PNP Chief Azurin ay kasunod na rin ng hamon ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista na magbitiw na lamang siya sa pwesto kung mananatiling malamya ang PNP laban sa mga kriminal.

Ayon kay Azurin, kapag namatay ang kriminal sa operasyon ng pulis, aakusahan naman sila na sinadya o nanlaban ang mga ito para mapatay.


Paliwanag pa rito, hindi naman kailangang may palaging mamatay sa operasyon ng PNP.

Sa ngayon, umiisip sila nang mas mahusay na hakbang para masupil ang mga kriminal.

Binigyang diin pa rito na dapat manaig ang batas at karapatang pantao base narin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments