Thursday, January 29, 2026

PNP Chief Nartatez, inatasan ang ACG para sa imbestigasyon sa kumalat na pekeng medical bulletin ni PBBM

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na bumuo ng isang team para sa masusing imbestigasyon sa kumalat na pekeng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Nartatez, bukod sa imbestigasyon ay iniutos na rin nya sa nasabing unit na makipag-ugnayan sa iba pang ahensya para papanagutin ang mga nasa likod ng tangkang panlilinlang sa publiko patungkol sa kalusugan ng pangulo.

Nabatid na nauna nang kinondena ng Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing pagpapakalat ng pekeng dokumento ng presidente.

Sinundan naman ito ng pahayag mula sa ospital na nabanggit sa nasabing papel at mariin rin itong itinanggi.

Ayon pa kay Nartatez, buong nirerespeto nito ang kalayaan sa pagpapahayag ng bawat Pilipino, ngunit ang paggawa at pagpapakalat ng pekeng dokumento na tumatarget kaninuman ay labag sa batas.

Samantala, hinimok din ni Nartatez ang publiko na na maging responsable sa paggamit ng social media.

Facebook Comments