PNP Chief Nartatez, iniutos ang maigting na operasyon kontral sa mga ilegal na pagawaan ng mga paputok matapos ang nangyaring pagsabog sa Bulacan

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mas maigting na operasyon kontra sa ilegal at hindi otorisadong manufacturer ng paputok matapos ang pagsabog ng isang pagawaan sa Norzagaray, Bulacan kahapon.

Ayon pa sa kanya, on-going na ang ginagawang imbestigasyon at nakikipagtulungan na din ang ahensya sa Bureau of Fire Protection, iba pang ahensya at sa local government unit para mareview kung sumusunod at may kaukulang permits ang nasabing pagawaan.

Sa ulat ng awtoridad, dalawa ang naiulat na nasawi, kabilang dito ang 50 anyos na may-ari ng nasabing pagawaan at isang 15 anyos na menor de edad na kapitbahay lang din nito.

Samantala, apat ang naiulat na nagtamo ng minor injuries kung saan ang mga ito ay stable na.

Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Kampo Krame,sinabi ng Police Director ng Bulacan Police Provincial Office na si Police Corporal Angel Garcillano na tinitingnan din nila ang anggulong may financier ang nasabing nasawing may-ari ng pagawaan pero mangagalap pa sila ng imbestigayon para makumpirma ito.

Dagdag pa nya, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong insidente, nauna na rito ang nangyari sa San Ildelfonso, Bulacan kung saan wala namang naiulat na nasawi.

Facebook Comments