
Naglabas ng mahigpit na babala si PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., acting Chief ng Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal na tumutulong sa mga akusado sa anomalya sa flood control.
Kung kaya’t pinaghahanda na ni Nartatez ang mga police units na nagpapatupad ng arrest warrant at inatasan na rin nya ang mga ito na magsampa ng kasong kriminal laban sa sinumang makumpirmang kumukupkop sa mga nasabing akusado .
Ayon kay Nartatez, naiintidihan nya ang malapit na ugnayan ng magkakaibigan at magkakapamilya ngunit ang mga nasabing akusado ay may pananagutan sa batas .
Hinimok din nya na hayaang harapin ng mga akusado ang mga kasong isinampa sa kanila at hindi na dapat madamay pa ang mga nasabing malalapit sa buhay ng mga naakusahan.
Bukod dito ay nanawagan din sya sa mga natitirang suspek na sumuko na at makikipag-ugnayan na sa pulisya.
Binigyang din ni Nartatez na magpapatuloy ang operasyon ng PNP hanggang sa mahanap lahat ng nasabing sangkot sa nasabing anomalya.









