Monday, February 23, 2026

PNP Chief Nartatez, nagpapatupad ng reporma sa PNPA

Tutok ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapaigting pa ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa pamamagitan ng pagrereporma nito.

Ito ang sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sa ginanap na Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City nitong Sabado.

Ayon kay Nartatez, may mga kailangan pang ayusin kagaya na lamang ng mga milyon o bilyong pisong programa ng PNPA noong nakalipas na mga taon na hindi naimplement ng mabuti.

Dagdag pa nya, magiinvest din ang PNP para ma-improve pa ang PNPA.

Sa katunayan umano ay sinisimulan na ni Nartatez ang mga programa para sa PNPA kagaya na lamang ng organization structure at staffing pattern .

Kaugnay nito, dagdag pa ni Nartatez nakipagunayan na rin sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matulungan ang PNPA at ang PNP Special Action Force (SAF) sa mga kinakailangang reporma.

Facebook Comments