PNP Chief Nartatez, nilinaw na walang quota system sa PNP

Binigyang diin ni acting Philippine National Police (PNP) Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang umiiral na “quota arrests” sa kanilang hanay.

Kasunod ito ng panawagan ng detainee rights advocacy group na Kapatid na bawiin ang umano’y pronouncement ni dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III hinggil sa paggamit ng dami ng pag-aresto bilang batayan ng promosyon ng mga pulis.

Ayon kay Nartatez, nakabatay lamang sa datos at record ang kanilang direktiba.

Maaalalang noong Hunyo, nang pamunuan ni Torre ang PNP at kanyang sinabi na gagamitin bilang sukatan ng performance ng mga pulis ang bilang ng kanilang naaresto.

Nagbabala naman noon ang Commission on Human Rights (CHR) na maaaring magdulot ito ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.

Ngunit nauna nang nilinaw ng ex-PNP Chief na walang “quota system” sa pag-aresto kundi “quality system”alinsunod sa batas na may paggalang sa karapatang pantao.

Facebook Comments