
Pinabulaanan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang paratang ng international rights group na patuloy umanong nagaganap ang mga pagpatay na may kinalaman sa droga, na kinasasangkutan ng mga pulis o ng sibiliyan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand”Bongbong” Marcos Jr.
Nabatid na pinuna ng Human Rights Watch (HRW) ang pamahalaan ng Pilipinas dahil umano dito.
Ayon kay Nartatez, nirerespeto nila ang pananaw ng international rights group ngunit hindi ito pumapayag na ang accountability mechanisms ng PNP ay kulang.
Ayon sa kanya, mas pinalalakas pa nga nila ang mga internal investigations at tinitiyak na mapaparusahan ang mga pulis na lalabag sa batas.
Dagdag pa nya, kinikilala nila ang adbokasya patungkol sa karapatang pantao at ang umiiral na batas ngunit dapat ito ay base sa katotohanan.










