PNP Chief, nasa Abu Dhabi para dumalo sa taunang Interpol Conference

Nasa Abu Dhabi, United Arab Emirates si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., para dumalo sa International Criminal Police Organization conference.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, tumulak kahapon si PNP Chief pa-Abu Dhabi para pangunahan ang 10-man delegation ng Pilipinas.

Sinabi ni Fajardo na sesentro ang pulong ng Interpol ngayong taon sa isyu ng human trafficking, cybercrime, kampanya kontra terorismo at ilegal na droga at maraming iba pa.


Ang Interpol ay taunang pulong ng mga lider ng law enforcement units ng iba’t ibang mga bansa upang talakayin ang transnational crimes at magbahagi ng best practices para masugpo ang mga krimen.

Nabatid na magsisimula ang Interpol Conference bukas, February 7 at tataggal hanggang February 9, 2023

Noong isang taon, dumalo din si PNP Chief Azurin sa Interpol conference sa India at France.

Facebook Comments