PNP Chief, no comment sa posibilidad na pagpapalawig ng termino kahit pa malapit na ang kaniyang mandatory retirement

No comment si PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibilidad na mapalawig pa ang kanyang termino kahit pa malapit na ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10, 2020.

Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nalalapit niyang pagreretiro pero anuman ang maging desisyon nito ay kanyang susundin.

Matatandaan na unang nagsumite si DILG Secretary Eduardo Año ng shortlist sa Pangulong Duterte na kanyang mga rekomendasyon para maging susunod na PNP chief.


Kasabay nito, inihayag ni Cascolan na kuwalipikado lahat ang kaniyang ‘dream team’ para maging susunod na PNP chief.

Kabilang sa mga ito sina PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Cesar Hawthorn Binag at PNP Chief of Directorial Staff Police Major General Joselito Vera Cruz.

Alinsunod sa batas ang lahat ng one-star general pataas ay eligible na maging PNP Chief.

Facebook Comments