Pupunta sa Estados Unidos si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde para sa sampung araw na official mission sa Estados Unidos.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac kasama ni PNP Chief sa pagbyahe sa Amerika si The Deputy Chief For Administration (TDCA) Police Deputy Director General Fernando Mendez Jr.
Itinalaga naman ni PNP Chief bilang Officer In Charge si The Deputy Chief For Operation Police Deputy Director General Archie Gamboa.
Ang 10 days official mission sa abroad ng dalawang opisyal ng PNP ay simula ngayong araw March 12 at hanggang March 22.
Layunin ng mission abroad ng mga ito na makadalo sa mga working meetings, discussion at seminar patungkol sa counter terrorism matapos na imbitahan ng Federal Bureau of Investigation o FBI sa Estados Unidos.