PNP Chief Oscar Albayalde, itinangging binigyan siya na Relief Order ni Pangulong Duterte  

Itinanggi ni PNP Chief Oscar Albayalde na binigyan siya ng Relief Order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Albayalde, pawang mga tsimis lamang ang mga kumakalat na ulat.

Nakausap na niya ang pangulo at nakapagpaliwanag na siya.


Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Albayalde.

Nilinis na rin ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pangalan ni Albayalde mula sa Drug Recycling.

Nakatakdang magretiro si Albayalde sa November 8 kasabay ng pagtungtong ng kanyang edad 56.

 

Facebook Comments